Walang balak si Andrea Brillantes na mabakante ng matagal na panahon matapos ang break-up nila ni Ricci Rivero.
Tila gustong pumasok sa tinaguriang ‘rebound love’ si Andrea matapos ang masaklap na karanasan kay Ricci.
Nang ipinakita kay Andrea ang larawan ni Ken Suson , main dancer ng SB 19, walang patumangga niyang sinabi na gusto niya itong maka-date.
Pero may balitang ang type naman daw ni Ken ay si Jayda Avanzado, ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.
Marami pang detalye ang matutunghayan hinggil sa ‘trianggulo’ sa D’TT Show, Tarayan at Talakayan Showbiz Edition sa Sabado alas-kuwatro ng hapon sa Facebook page at Youtube Channel ng Dyaryo Tirada.