Umabot sa 1,100 katao ang nawawala matapos ang dalawang linggong deadly wildfires sa Hawaiian island sa Maui, ayon samga awtoridad.
Tumutulong ang Federal Bureau of Investigation (FBI) para hingin ang tulong ng kanilang mga pamilya upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan sa mga nasawi.
Ang naganap na mga sunog ang pinakamapanganib na tumama sa US sa loob ng isang siglo, na ikinasawi ng 115 katao, ayon sa pinakahuling provisional death toll.
Ang tourist town ng Lahaina, na may populasyon na 12,000 katao, ay naubos, ngunit inaalam pa ang kinahinatnan ng libu-libong nawawalang residente na nasa listahan na binuo ng iba’t ibang organisasyon, kasama ang mga pulis, Red Cross at shelters.
Nangangalap at bineberipika pa ang mga datos , ayon kay Special Agent Steven Merril..
“We’re cross-referencing all the lists so that we can determine who in fact truly is still unaccounted for,” sabi ni Merrill
Hanggang noong Martes ay umabot na sa 1,100 ang missing persons at inaasahang madaragdagan pa ito.
Nagtayo ang FBI ng isang telephone hotline at inengganyo ang mga kaanak ng mga nawawala na kontakin sila.
“Nearly three-quarters of remains that have been tested for DNA thus far have generated searchable DNA results.”