Pinasalamatan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Denmark dahil sa mga suporta kabilang ang pamamahagi ng Kyiv at mga F-16 fighter jets.
Sa kaniyang talumpati sa parliamento ng Denmark, sinabi nito na simula pa noong lusubin sila ng Russia ay hindi nagpabaya ang nasabing bansa sa suporta.
Binalaan din nito ang mga European alliest nito na kalapit ng Russia na hindi malayong matulad ang nangyari sa kanila.
Magugunitang nangako si Danish Prime Minister Mette Frederiksen na magdodonate sila ng 19 na F-16 fighter jets ngayon taon at hanggang sa susunod na taon.
Nangako naman ang Greece na kanilang isasanay ang mga piloto ng Ukraine para sa pagpapalipad ng F-16 fighter Jets.
Naniniwala ang Ukrainian President na sa tulong na mga air assets ay tuluyan nilang matatalo ang Russia.