Mga Laro sa Miyerkules
10 a.m. – Perpetual Help vs FEU (women’s)
12 noon – UE vs Mapua (women’s)
2 p.m. – San Beda vs Ateneo (men’s)
4 p.m. – UST vs NU (men’s)
Hangad ng National University na makopo ang panalo laban sa pamilyar nilang katunggali na University of Santo Tomas sa pagpapatuloy ng V-League Men’s Collegiate Challenge sa Miyerkules sa Paco Arena sa Maynila.
Dati nang tinalo ng Bulldogs ang Golden Spikers sa finals ng nakaraang torneo ng UAAP noong isang taon na kumpleto ang kanilang koponan pero mas magiging mahirap ngayon ang mission ng NU sa pakikipagharap sa UST sa ganap na 4 ng hapon dahil wala sina coach Dante Alinsunurin at top hitter Nico Almendras gayundin ang kanilang premyadong playmaker na si Owa Retamar.
“May mga bagay pa kami na kailangan ayusin, lalo na sa service. Ang importante ay masubukan ko yung team namin kahit wala sila Owa (Retamar) at Nico (Almendras),” sabi ni Alinsunurin, na kasalukuyang nasa VIetnam para gabayan ang VTV Cup campaign ng PVL team Choco Mucho.
Suna Retamar at Almendras naman ay kapwa nagpapalakas.
“Pinaghahandaan namin yung possibility na mawala sila in the next few years. Kailangan ready kami sa bawat laro at bawat liga na sinasalihan namin,” dagdag pa ni Alinsunurin.
Pero hindi pa rin maituturing na mahinang team ang NU na hangad na muling makasungkit ng panalo at sundan ang 25-22, 25-22, 25-19 panalo kontra Far Eastern U noong Wednesday.
Hangad nilang makasosyo sa liderato ang Perpetual Help na may 2-0 record sa pagsisimula ng event na inorganisa ng Sports Vision.
Galing naman sa 26-28, 25-18, 28-26, 25-21 na pagkatalo ang UST sa De La Salle U noong Biyernes.