Nagbabala ang aktor na si Marlo Mortel laban sa isang dummy account na nagngangalang Yuki Zaragosa na nagtangkang siraan siya sa social media.
Paratang ng dummy account sa open letter na naka-post sa Facebook, sinusulot raw ni Mortel ang kaniyang ka-relasyon.
“I ain’t playing detective and I’m sure as hell ain’t interested in outing anyone, but what you’re doing to my boyfriend is driving me insane,” aniya.
Dagdag pa nito, inaya din ng aktor ng threesome at may pang-front din si Mortel na isang “social media girlfriend,” na ikinagalit ni Zaragosa.
“If you wanna get laid, ikaw na lang. Don’t drag anyone sa 3some, orgy na fetish mo. At wag mong ipilit na ipapasok sayo. We hang out together, di ka nahihiya?”
Sinagot ito ni Mortel sa isang public post at sinabing “FAKE NEWS ARE DANGEROUS. A person’s life can be at stake because of this.”
Matapang din na ipinahayag ni Mortel na meron siyang mga screenshots ng mga fake accounts na nangha-harass sa kanya.
Hinamon ito ng aktor at ang mga natanggap niyang alegasyon at nagbabal na may batas laban sa cyberbullying.
Si Marlo Mortel ay mas nakilala sa kanyang role bilang Nicolo Angelo Cortez sa morning television series na Be Careful With My Heart.