Lutang na lutang ang agwat ng edad ng aktor na si Gerald Anderson sa kanyang nobyang si Julia Barretto.
“Julia, parang tito mo si Gerald,” sabi ni Showbiz Ultra Maldita Alex Brosas sa programang D’TT Show, Tarayan at Talakayan Showbiz Edition kasama ang co-host na si The Diva that You Love Alwin Ignacio na mapapanood sa Sabado alas-kuwatro ng hapon sa Facebook at Youtube channel ng Dyaryo Tirada.
Ang komentaryo ni Brosas ay matapos mapanood ang video na nagsayaw sa kalye ang magkasintahan na animo’y mga naglilingkisang ahas.
Ikinompra ng netizens ang video nila sa kumalat ding video na nagsayaw sa parke ang magkarelasyong sina Aljur Abrenica at AJ Raval.