Ikinokonsidera ng gobyerno ng Canada ang paglilimita sa foreign student visa, na mas tumaas daw nitong mga nakaraang taon ayon kay Housing Minister Sean Fraser.
Batay sa official data, mayroong higit 800,000 foreign students na may active visas sa 2022, tumaas ito mula 275,000 noong taong 2012. Kilala ang Canada bilang isang sikat na destinasyon para sa mga Internationa Student dahil sa medyo madaling makakuha ng permit sa trabaho dito.
Ayon kay Fraser, na dating immigration minister bago maging Housing Minister, aniya, malaking pressure sa housing markets ang matinding pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral.
Samantala, nang tanungin naman si Fraser kung ang limitasyon ay maaari pang ipataw sa ilang foreign students, aniya, sa tingin niya ay isa ito sa opsyon na dapat nilang isaalang-alang pero wala pa naman aniyang desisyon ang gobyerno.