Labis-labis ang hinanakit ng aktres na si Carla Abellana matapos pumanaw ang kanyang 11-year-old furbaby na si Patches.
Nag-post ang aktres sa Instagram ng nakakaantig na mensahe sa alaga na ang purpose raw ay “to bring light and companionship in my life.”
Inalala din ni Abellana na si Patches ay isang sorpresa mula sa kanyang stepdad na si Neri.
Ayon kay Abellana, na love at first sight siya sa alaga.
“Right there and then, [I] truly felt [I] was no longer going to be alone. I fell in love with Patchy Poo.”
Ipinahayag din ng aktres na hindi niya maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman sa pagkalawa ng kanyang fur baby.
Si Patches ay isang Jack Russel Terrier na kasama ng aktres ng 11 na taon.
Noong taong 2020, bilang isang animal welfare advocate at dog lover, binigyan ni Abellana si Patches ng ilang mga kaibigan at nag-ampon ng aspin.