Nasawi ang isang lalaki sa Sta. Cruz, Maynila matapos masakote sa isang checkpoint noong Biyernes ng gabi, 18 Agosto.
Nasakote ang suspek na si Wilfredo Marquez Jr. matapos maharang sa police checkpoint at hanapan ng mga dokumento. Pumalag ito sa mga pulis at biglang bumunot ng baril na nauwi sa isang engkwentro.
Ang suspek ay wanted sa double murder case sa isang pastor at isa pang kasamahan nito sa Tumauini.
Ayon sa Manila Police District (MPD), apat na katao ang nasugatan, dalawang pulis, isang tricycle driver at ang angkas ni Marquez.
May isang babaeng bystander din ang nasawi matapos maipit sa putukan sa gitna ng pulisya at ni Marquez.
Napag-alaman sa imbestigasyon na ang isa sa mga baril na nakumpiska kay Marquez at ay nakarehistro sa isang pulis na nakadestino sa Calabarzon.