Dumating na sa Pilipinas ang mga manlalaro ng Mexico, ilang araw bago pa man ang pagsisimula ng FIBA World Cup 2023.
Lumapag ang kanilang sinakyang flight sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City.
Ang Mexico ay kabilang sa Group D ng torneyo, kung saan kasama nila ang Egypt, Lithuania at Montenegro.
Kabilang sa mga manlalaro ng Mexico sina: Moises Andriassi, Victor Alvarez, Daniel Amigo, Irwin Avalos, Gael Bonilla, Jorge Camacho, Juan Camargo, Pako Cruz, Jose Estrada, Gabriel Giron Jr, Israel Gutierrez, Jorge Gutierrez, Hector Hernandez, Joshua Ibarra, Fabian James, Jonathan Machado, Orlando Mendez, Ivan Montano, Raul Olalde, Alejandro Reyna, Juan Reyna, Esteban Roacho, Paul Stoll at Victor Valdes.