Agaw-eksena si Dryx Saavedra na pumalo ng kinakailangang hits na nagsilbing tulay para sa Far Eastern University na lagpasan ang De La Salle University, 25-22, 20-25, 25-23, 16-25, 17-15, at tuluyang makuha ang unang panalo sa V-League Men’s Collegiate Challenge nitong Linggo sa Paco Arena sa Maynila.
Apat na sunod na hits ang ibinigay ng kaliweteng si Saavedra para tuluyang giyahan ang FEU at burahin ang apat na puntos na kalamangan ng La Salle sa fifth set at kumpletuhain ang pagresbak ng koponan.
Galing sa mapait na pagkatalo ang FEU sa mga kamay ng defending champion National University noong Miyerkules, pero ang unang panalo rin ng Tamaraws ang nagsilbing spoiler’s role sa pagasinta ng La Salle na makasosyo sa liderato.
Tabla na ngayon ang Tamaraws at Green Spikers na kapwa may 1-1 win-loss records.
“What happened in the game, I think, it’s a test of character. It’s a make-or-break match as you can see the match was really tight until the end,” ang sabi ni FEU coach Eddieson Orcullo.
“But this kind of situation is really a test of character on how the players will handle things with pressure.”
May naitalang 25 puntos si Saavedra, lahat ng yan ay galing sa atake habang nagambag naman si Andrei Delicana ng 12 kills, three kill blocks at isang ace.
Hindi man magandang tingnan ang pagkakapanalo, lubos itong kailangan ng FEU na ayaw mahulog sa kanilang ikalwang sunod na pagkatalo.
Ang mga errors sa pagsisimula ng fifth set ay naglagay sa kanla sa bibgit ng pagkatalo kung saan umabante ang La Salle, 13-9, bundos ng apat na sunod na pagkakamali.
Pero sa pangunguna ni Saavedra na nagbalik tranko sa FEU, nagawa nitong maisalba ang kampanya ng Tamaraws.