Ikinagalit ng aktres na si Nadine Lustre matapos ang bali-balita sa social media na spotted raw ang kanyang fiance na si Christophe Bariou na may kasamang ibang babae.
Sabi ng netizen, hindi nakikita ng aktres ang laging kasama ng fiance dahil siya ay nasa malayo.
“Malayo ka nads, yong taga Siargao ang laging nakakakita kung sino palagi kinakasamang babae ni Chris,” aniya.
Kinompara rin ng netizen na nag-comment sa Instagram ang kanyang fiance sa ex ni Lustre na si James Reid.
Giit ng netizen: “Sana nads di siya kagaya kay James na manloloko, ayaw naming makitang niloloko at sinasaktan ka.”
Lubos na ikinagalit ito ng aktres. Aniya, “rude at offensive” ang nasabing komento.
Depensa din ni Lustre, may nakakasama rin siyang mga lalaking kaibigan ngunit hindi ibigsabihin nito ay nangangaliwa siya.
“Di ba siya pwedeng magka friends na girls? Di ko kaya yung backwards mentality mo teh.”
Si Nadine Lustre ay isang sikat na Filipina actress na sumikat pagkatapos lumabas sa Diary ng Panget: The Movie. Nagbida rin siya sa iba’t ibang ‘teleserye,’ kabilang ang On the Wings of Love.
Naging opisyal sina Lustre at Bariou noong Enero 2022. Una silang namataan noong Agosto 2021 matapos makitang magkasama sa Siargao.