Nagulantang ang lahat ng biglang mapanood sa digital billboard ang isang pornographic film sa Baghdad noong Sabado ng gabi.
Umabot ng ilang minuto bago napatigil ng mga awtoridad ang ipinalalabas na malaswang pelikula sa LED advertisement screens na kagagawan umano ng hacker.
“A person managed to hack into an advertising screen in Uqba bin Nafia Square”, sabi ng isang security source sa Agence France Press (AFP).
“The hacker showed a pornographic film for several minutes before we cut the power cable,” aniya.
Kumalat sa social media ang ilang video ng pornographic film na napanood ng mga motorista habang binabagtas ang central Baghdad.
Ang anila’y “immoral scenes” ang sanhi kaya’t agad na pinatay ng mga awtoridad ang lahat ng advertising screens sa Baghdad habang nirerepasio ang security measures , paliwanag ng isangsecurity official.
Nadakip ang isang suspect na pinaniniwalaang nasa likod nito, ayon sa kalatas ng interior ministry, ngunit walang ibinigay na iba pang detalye.
Maging ang ilang screens na kalimitang ipinalalabas ang mga anunsyo para sa household goods o political candidates bago ang halala ay “switched off”din.
Inianunsyon ng Iraq noong 2022 ang balak ba harangin ang pornographic websites, ngunit marami pa rin ang “accessible.”
Naging target ng Iraqi government ang ilang YouTubers ang ilang TikTokers mula pa noong isang taon, at inakusahan ito ng “indecent content” na kontra sa kanilang moralidad at tradisyon.
Ilan sa kanila ay nakulong, kasama ang isang dalagita na nagpaskil ng videos habang nagsasayaw sa saliw ng pop music.