Inihayag ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) nitong Linggo na hindi muna maniningil ang Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) nang bagong toll rate nito sa mga PUV operator at driver.
Sinabi ng MPTC na ito ay upang makatulong sa mga pampasaherong sasakyan gaya ng jeep, UV express, at mga bus kaya hindi muna sila sisingilin ng bagong toll rate sa loob ng tatlong buwan o 90 araw.
“We recognize the impact of the toll increase on Class 1 and Class 2 PUV drivers. That’s why we’re reactivating our Abante Card program to provide some relief during this transition,” saad ni MPTC president and CEO Rogelio Singson.
“We believe this program will help alleviate the financial burden on our valued PUV drivers and provide them with a smoother transition,” dagdag niya.
Kailangan lang umano irehistro ng mga operator o drayber ang kanilang RFID account para ang luma pa ring rate ang ikakaltas sa kanila kada dumaraan sa Cavitex.
Tinatayang nasa 160,000 motorista naman ang maaapektuhan ng naturang dagdag singil sa toll, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).