Inihayag ng mga opisyal sa Ukraine na nasa pitong indibiduwal ang naiulat na nasawi kabilang ang anim na taong gulang na batang babae habang nasa 144 ang sugatan kung saan 41 dito ang kasalukuyang ginagamot sa hospital matapos magpakawala ng missile ang Russia sa central square sa siyudad ng Chernihiv.
“I am sure our soldiers will give a response to Russia for this terrorist attack,” saad ni Ukraine President Volodymyr Zelenskiy.
Inihayag ni Zelenskiy na sa 144 na sugatan 15 dito mga bata at pinangalanan din nito ang nasawing batang babae na si Sofia.
Ayon naman kay Interior Minister Ihor Klymneko na kabilang sa mga nasugatan ay ang 15 police officers at karamihan sa mga biktima ay nasa sasakyan at binabagtas nila ang daan.
Sinabi ni Zelenskiy na ang missile attack sa Chernihiv, na isang lungsod ng mga madahong boulevard at mga siglong gulang na simbahan na mga 145 kilometers sa hilaga ng Kyiv, ay kasabay ng Orthodox holiday ng Feast of the Transfiguration of the Lord.
Nagkalat ang mga debris sa isang parisukat sa harap ng nasirang teatro at nakapalibot na mga gusali, kung saan ang mga nakaparadang sasakyan ay lubhang napinsala.
Isang 63-anyos na nagbigay lamang ng kanyang unang pangalan, Valentyna, ang nagpakita ng nasirang balkonahe sa kanyang apartment sa tapat ng teatro.
“It is horrific. Horrific. There were wounded, ambulances and broken glass in here. Nightmare. Just nightmare,” pahayag ni Valentyna.
Samantala, iginiit ng pulisya sa South Korea na tinangka ng pinaghihinalaang mga hacker ng North Korea na labagin ang isang malaking joint military exercise sa pagitan ng US at South Korea na nakatakdang magsimula sa Lunes.
Ayon sa Gyeonggi Nambu Provincial Police Agency, kinikumpirma ng imbestigasyon ng pulisya na ang North Korea hacking group ang responsable sa pag-atake. Gayunpaman, wala aniyang classified military information ang nakompromiso.
Ang paparating na 11-araw na Ulchi Freedom Guardian summer exercises ay naglalayong palakasin ang kahandaan ng mga kaalyado laban sa mga advanced nuclear at missile threat ng North Korea.
Madalas naman pinupuna ng Pyongyang ang naturang joint drills, na sinasabing ang mga ito raw ay rehearsals para sa pagsalakay sa North Korea.
Kaya naman iniugnay ng nga imbestigador ang pagtatangka sa pag-hack sa isang North Korean group, na kilala naman sa cybersecurity community bilang Kimsuky.