Ready to be Mrs. Llana na ang actress-beauty queen na si Maxine Medina.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN Entertainment, napasakamay na ni Medina at non-showbiz fiance na si Tommy Llana ang kanilang wedding rings.
Hindi din nagpaawat ang beauty Queen sa selebrasyon ng kanilang pagmamahalan.
Pahayag ni Medina, Isang wedding ring at eternity ring ang kanyang binili dahil dalawang beses sila ikakasal ni Llana na gaganapin sa beach at
simbahan.
“Kasi yung beach talaga is our dream wedding,” aniya.
Dagdag ng beauty queen, bilang respeto sa kanilang mga magulang kaya’t ikakasal din sila sa simbahan.
Noong taong 2018 nagkatuluyan si Medina at Llana. Na-engage ang dalawa noong taong 2022.
Naganap ang kanilang engagement sa Club Paradise, Coron, Palawan.