Inutusan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang persons deprived of liberty (PDLs) na buwagin ang lahat ng “kubols” sa lahat ng bilangguan sa buong bansa.
Bahagi aniya ito ng crackdown ng BuCor sa mga kontrabando sa loob ng mga selda.
“We ask them to demolish it for transparency… We need to do this so that we can confiscate contrabands still in possession of PDLs. They are fully aware that we have given them chances to surrender all their contrabands but if they still refuse and they are caught red handed, I’m sorry to say that they will have to stay longer at NBP as we will not hesitate to file charges against them,” sabi ni Catapang sa isang kalatas.
Iniulat ng BuCor na ang PDLs sa New Bilibid Prison (NBP) ay boluntaryong binuwag ang 60 kubol sa security housing building 1 at 6 NBP North, SHB 9 NBP East Quadrant 4 at SHB 7 NBP West Quadrant 2, habang ang pagsira sa kubol sa Quadrant 3 Maximum security compound ay nagpapatuloy.
Nagbabala si Catapang na simula sa Lunes,21 Agosto, sisirain ng Bucor personnel mula sa Diversified Maintenance Unit ang mga kubol na hindi tinanggal sa NBP.
Nagbigay siya ng direktiba kay Deputy Director General for Operations, Gil Torralba na pangunahan ang operasyon, gayundin ang Oplan Galugad na regular na isasagawa sa loob ng NBP.