Talagang hindi pa rin natatapos ang pagbash sa aktres na si Ellen Adarna matapos niyang ianunsyo sa IG ng kanyang business kung paano mananalo ng tickets sa concert ni Taylor Swift.
Karamihan kasi sa mga fans ng international singer-songwriter ay na-offend at hindi magustuhan sa tila paggamit ng pangalan ng kanilang idolo para pagkaperahan.
Ang mga pangayayaring ito ay kasunod nang pag-anunsyo ng aktres na mamimigay siya ng tickets para sa Eras Tour concert ni Taylor na magaganap sa Singapore sa darating na Marso kung saan marami talagang umasa rito.
Ang ikinadismaya ng mga netizens ay ang kondisyon para makakuha ng ticket, dahil kailangan muna umanong bumili ng kanyang produkto na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libo para magkaroon ng entry sa raffle na may 15,000 slots.
Bukod pa rito, two weeks lang rin bago ang allowance sa date ng concert ang pag-anunsyo nila ng mananalo kaya todo reklamo ang iba dahil mahirap nang mag-book ng flight at accommodation kung sakali.
Umani rin ng samu’t sariling komento ang naturang mechanics ng ticket giveaway ni Ellen.
“Ito yung ayaw ni Taylor. Na pagkakitaan ang tix niya. I-report natin ‘to sa ticket master or taylor nation,” saad ng isang netizen.
Depensa naman ng isa sa negosyo ni Ellen , “Galit na galit yung iba. Huhuhu Kung di niyo bet magpurchse edi don’t. Nag expect din kayo masyado kasi. Nagbubusiness yung tao, marketing strat niya yan. At hindi lamg naman sya ang gumagawa ng ganyang strat.”
Wala pa namang pahayag si Ellen hinggil dito.