Isang lalaki na dumadalaw lamang umano sa puntod ng mahal nito sa buhay ang nasawi matapos siyang pagbabarilin sa loob ng sementeryo sa Tuy, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Victor William Pedrosa, residente sa nasabing bayan at ayon sa imbestigasyon, kasama umano ng biktima ang live-in partner nito at nagtungo sa sementeryo para bisitahin ang puntod ng yumaong kaanak.
“Nakamotor, magkasama at without apparent reason ay pingputukan na ng baril itong biktima. Undergoing pa ang autopsy, nasa seven pieces of empty shell ang na-recover sa pinangyarihan ng krimen,” saad ni Police Major Eugenio Nepthali Solomon, hepe ng Tuy Police Station.
Nakaligtas naman ang kinakasama ng biktima, habang nakatakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa posibleng motibo sa krimen, at pagkakakilanlan ng mga salarin.