TABLA o walang nanalo sa isyu ng hurisdiksyon ng 14 public schools na pinag-aagawan ng Makati at Taguig matapos pumagitna si Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Batay sa Department of Education (DepEd) Order No. 023 s.2023, na inilabas noong 16 Agosto 2023, ang DepEd secretary ang direktang mamamahala sa labing-apat (14) na paaralan na apektado sa 14 enlisted men barrios (EMBO
Welcome kay Makati City Mayor Abby Binay ang pag-takeover ni VP Sara sa management at supervision ng 14 na paaralan.
“We look forward to working wholeheartedly with the transition team created by the Vice President. This decision will greatly ease the worries and concerns of our students, parents and teachers. Kaisa kami ni Vice President Sara sa kanyang layunin. Unahin natin ang kapakanan ng ating mga guro, mga kabataan at kanilang mga magulang,” ani Abby.
Inisyu ni VP Sara ang DepEd Order No. 023 noong 16 Agosto 2023 na may titulong “Assumption of authority of the Department of Education over the 14 public schools affected by the Supreme Court decision in G.R. No. 235316.”
Nakasaad sa DepEd na mandato nitong isulong ang karapatan ng bawat Pilipino para sa “accessible, equitable, and quality education” kaanlisabay ang tungkuling magkaloob ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral, guro at mga empleyado.
Kinikilala aniya ng DepEd tumataas na tensyon sa 14 na paaralang apektado ng desisyon ng Supreme Court hinggil sa paglipat sa Taguig ng EMBO barangays mula sa Makati, at nagdulot nang pagkabahala sa mapayapa at maayos na pagbubukas ng klase sa 29 Agosto 2023.
“The Office of the Secretary shall directly supervise the management and administration of all 14 schools, pending a transition plan, effective immediately,” anang kautusan.
Ang transition committee na itinatag ni Duterte ay binubuo ng regional director (nakatalaga sa labas ng National Capital Region); DepEd Schools Division Superintendent of Taguig-Pateros; DepEd Schools Superintendent of Makati City; City Legal Officer of Makati at City Legal Officer of Taguig.
Ani Sara ang transition committee ay magsasagawa ng preparasyon ng isang physical inventory ng lahat ng ari-ariang sangkot; mangalap ng transition documents kasama ngunit hindi limitado sa kompletong listahan ng lahat ng umiiral na kontrata na may kinalaman sa operasyon ng tatlong sangkot na paaralan at magbalangkas ng final transition plan.
Sa panahon ng transition period, lahat ng aktibidad na isasagawa sa lugar o sa loob ng bakuran ng mga public school kasama ang mga lokal na pamahalaan ng Makati at Taguig, ay kailangang aprobado ng Office of the Secretary.
Lahat ng principal ng mga paaralan ay inatasang direktang mag-report at ipaubaya sa Office of the Secretary ang usaping may kinalaman sa pang-araw-araw na operasyon ng mga kaukulang public schools.
Giit ni Duterte, ang Philippine National Police (PNP) ang mahigpit napagpapatupad ng kautusan at lahat nang umiiral na direktiba, memoranda, at iba pang issuances ay ibinasura, binawi o binago.
Nanindigan si Binay na lahat ng 14 public schools ay nakatitulo sa Makati City kaya’t walang hurisdiksyon sa kanila ang Taguig.
Hiniling ni Mark Christian Dimson Galang, chairperson ng Federation of Makati Parents-Teachers Association (PTA)
na status quo muna sa isyu ng school supplies at iba pang gamit sa eskuwela upang maipamahagi na ito sa mga mag-aaral ito
“As representative po ng mga parents, medyo nabawasan po ang aming pangamba na si VP Sara Duterte po at ang DepEd Central Office muna ang magmamanage ng 14 Embo Schools,” sabi ni Galang.
“Gayunpaman ang aming hiling ay status quo po muna ang mga supplies at mga kagamitan na maibigay po sa mga bata upang Hindi na mapagastos pa ang mga magulang.”
Kamakalawa ng gabi ay inianunsyo ni Binay na mahalagang pahayag si VP Sara kaugnay sa isyu sa panayam sa kanya sa programang Sa Totoo Lang sa One PH.