Makatatanggap ng US $3 milyon o NZ $4.9 milyon bilang danyos ang isang lalaki sa New Zealand mula sa gobyerno matapos mapatunayang inosente sa isang murder case, 37 taon nang nakalilipas.
Napaulat na babayaran ng gobyerno ng New Zealand ng milyones na danyos si Alan Hall bilang kompensasyon matapos makulong ng halos 18 taon.
Nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong si Alan Hall noong 1986 matapos ang isang karumal-dumal na pananaksak sa isang lalaki sa Auckland, New Zealand.
“In light of the miscarriage of justice, the government has committed to a compensation sum of NZ$4,933,725, as redress for the years Hall spent unjustly incarcerated,” wika ni Deborah Russell, ang acting Justice Minister ng New Zealand.
Nauna nang nakalaya si Hall noong 1994 ngunit naibalik sa selda noong 2012 dahil umano sa naging komplikasyon sa kanyang paglaya noon.
Inamin ng Korte Suprema ng New Zealand na ang mga naunang paglilitis ay problemado dahil sa “extreme incompetence”
Si Alan Hall ay 24 taong gulang nang maaresto, siya ay 64-anyos na ngayon.