PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Dalawang magkapatid na lalaki ang namatay sa pagkalunod sa Nacpan Beach sa bayan ng El Nido nang tangayin ng malakas na alon habang nagsasalba ng dalawang paslit kahapon.
Sinabi ni Raymond Osorio, pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa El Nido, kinompirma ang insidente kahapon at kinilala ang mga biktima na ang magkapatid na Alvin Mahilum, 37, at Diolito Mahilum, 39, parehong security officers ng Ayala Corporation.
Napaulat ang insidente sa kanilang tanggapan noong alas-4 ng hapon 16 Agosto, at mabilis naman silang narespondehan ngunit habang patungo sa El Nido Community Hospital ang ambulansya, binawian ng buhay ang magkapatid.