Umamin ang aktres na si Chie Filomeno na label na lang ang kulang sa kanila ng aktor na si Jake Cuenca.
Sa isang panayam ni Filomeno sa morning program na Magandang Buhay, sinabi niya na may namumuo nang koneksyon sa kanila ng aktor.
“We are talking, nag-uusap kami po,” paliwanag ng aktres.
Pinaulanan din ni Filomeno ng papuri ang aktor. Aniya, labis-labis ang pag-admire niya kay Cuenca.
“I do admire him also, as in sa mga interview na itinatanong sa akin I look up to him,” aniya ng aktres.
Dagdag pa nito, masaya siya dahil vocal si Cuenca sa kanyang feelings dahil bihira ang mga ganitong klase ng lalaki.
Ngunit sa kabila ng namumuong pagmamahalan, giit ng aktres na dinadahan-dahan nila ang kanilang relasyon na lubos naman na naiintindihan ni Cuenca.
“Siguro taking time din kasi alam din niya rin kung ano ang priority ko in life. He’s really understanding.”
Noong Abril 2022, natuldukan ang tatlong taong pagmamahalan ni Cuenca at ang dating beauty queen na si Kylie Verzosa.
Na-link naman si Filomeno sa kanyang Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity Edition housemate na si Kyle Echarri noong 2021.
Nagsimulang maintriga ang mga fans matapos makita ang mga flirty na emoji na kino-komento ni Cuenca sa mga post ng aktres tatlong buwan na ang nakalipas.