Posibleng sa impiyerno raw ang diretso ng isang opisyal ng gobyerno sakaling sunduin na siya ni Mr. K sa hinaharap.
“Bakit naman? May lahing demonyo ba siya?” sabay-sabay na usisa ng mga Mimosa ng Barangay.
Kasi naman daw ang Gov’t Official ay inisnab as in ‘di sinipot ang isang mataas na opisyal ng Simbahan sa isang pagtitipon.
“Stairway to Heaven ng Led Zeppelin ang peg sana ni Gov’t Official kung nakipagkiskisang siko siya sa sugo ng Diyos. Sayang na oportunidad ang pinalampas niya,” wika ng Mega Mimosa ng Barangay habang humihikab
Clue:
Hindi sana magiging kontrobersyal si Gov’t Official kung hindi niya minahal ang Pilipinas.
‘Yun na!