Agaw atensyon ang paparating na 5150 Triathlon Dapitan sa 10 ng Setyembre kung saan lalahukan ito ng iba’t-ibang premyadong atleta na sasabak sa torneo.
Isang beteranong kalahok sa Olympic distance triathlon, dating champion golfer at pati na rin ang mga artista ay inaasahang dadalo at makikipagtungali sa prestihiyosong paligsahan.
Ang Boholanong si Jonathan Pagaura, na naging runer-up sa Sun Life 5150 noong isang taon, ay maghahangad na makopo ang titulo sa paparating na torneo.
Parehas siyang sasagupa sa age-group category (25-29) at sa overall championship sa 1.5-kilometer swim, 40km bike and 10km run sa Zamboanga del Norte.
Ang Dapitan City sa pangunguna ni Mayor Seth “Bullet” Jalosjos ay nangako ng mas engrandeng paligsahan ngayong taon, kung saan inaasinta niya ring mag-host ng IRONMAN 70.3 balang araw.
Bukod kay Paragua, sasabak rin sina David Gordon, Alfred Sajulga, John Paul Paluca, Jeremy Pepito, Alex Limbo and Eric Gallardo, kasama rin sina 20-24 campaigners RJ Vince Cabahug, Nikko Baguisa, Jacob Taylor, Jed Mission at Jesus Castillo II and 30-34 entries Banjo Norte, Rey Gomez, Nikko Ramirez at Erwin de Guzman.
Ang dating Southeast Asian Games na beterana na si Mia Piccio, na dating nanalo ng gold medal sa golf at artistang si Bubbles Paraiso ay lalahok rin gayundin sina Angela Gatuslao, Valerie Marcos, Anne Relova, Arianne Durana, Pearl dela Cruz, Kristine Macalisang at Luigine Tan ay kasama rin sa talaan ng mga kalahok bukod pa sa iba pang mga nagtatangka.