Nagbabala si Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia na ipatutupad ng mga awtoridad ang ‘warrantless arrest’ sa mga mahuhuli sa aktong sangkot sa vote-buying.
Inihayag ito ni Garcia sa ginanap na paglagda ng isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Comelec, Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) na nangakong gagawin ang lahat upang magkaroon ng isang patas at mapayapang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 30 Oktubre.
Giit niya, maglalabas ang Comelec ng guidelines para sa ipatutupad na ‘warrantless arrest’ sa mahuhuli sa aktong bumibili o nagbebenta ng boto sa panahon ng kampanya para sa Barangay and SK Elections.
“In the guidelines that we will issue, we will allow the PNP to arrest if the person is caught in the act. We will authorize that now with full backing of the Comelec because it is our belief that under our Constitution warrantless arrest is allowed,” ani Garcia.