Sa isang public hearing na isinagawa ng Health Subcommittee sa Magna Carta of Barangay Health Workers, at kasama ng Committees on Local Government, Ways and Means, and Finance noong Agosto 7, muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagbibigay-priyoridad at pag-angat ang katayuan ng mga Barangay Health Workers (BHWs).
Iginiit ni Go, chairperson ng Senate Committee on Health, ang kritikal na pangangailangan na pagsamahin ang mga benepisyo para sa mga tauhan ng barangay upang maiayon sa mga prinsipyo ng Local Government Code.
Iniaatas ng kodigo ang pagbibigay ng mahahalagang serbisyo, kabilang ang kalusugan at kapakanang panlipunan, sa mga yunit ng lokal na pamahalaan at, sa pagpapalawig, sa antas ng barangay.
Para sa Council for Health and Development (CHD) ang pagkilala sa tungkulin at sakripisyo ng ating BHW’s sa ating public health system ay dapat na higit pa sa kahanga-hangang salita.
“Higit pa sa grandiloquence (retorika) at optic, ang pagkilala para sa ating mga Barangay Health Workers ay dapat na isalin sa agaran at kongkretong sosyo-ekonomikong benepisyo bilang kapalit ng kanilang mga taon ng pangako at pagsusumikap para sa ating mga tao.”
Ito ang naging reaksyon ng Council for Health and Development sa Senate Bill No. 427 ni Sen Bong Go o ang Barangay Health Workers Compensation Act.
Sa pagbanggit sa mababang sahod at mataas na BHW sa ratio ng populasyon, itinuro ng CHD na maraming BHW ang tumatanggap ng kakarmpot o token honoraria sa Php 800-1000 buwan-buwan ngunit gumaganap ng kanilang mga tungkulin para sa 200-300 pamilya – malayo sa reseta ng Department of Health (DOH) na 1 BHW bawat 20 pamilya.
Ang mga BHW ay nakukuba na sa mga gawaing hindi napupunan ng health professionals sa mga komunidad.
Dahil maraming barangay ang walang sapat na bilang ng mga nars at/o mga doktor na proporsyonal sa heograpikal na lokasyon at populasyon, ang mga BHW ay nagiging pangunahing tagapagbigay ng pangangalaga para sa daan-daang kanilang mga nasasakupan.
Maraming mga residente ang bumaling sa kanila dahil ang pinakamalapit na primary care facility ay umaabot ng oras o araw bago marating.
Idinagdag ng CHD na ang sitwasyon ng mga BHW ay sumasalamin sa kalagayan ng health care workers sa ating public health system– sobra sa trabaho at kulang sa suweldo, kawalan ng seguridad at proteksyon sa trabaho, at mataas na populasyon sa mga ratio ng manggagawang pangkalusugan bukod sa iba pa.
Giit ng CHD, dapat ding tiyakin ang proteksyon para sa mga BHW sa isang batas na ginawa para sa kanila.
Dapat kilalanin ang kanilang mga karapatang sibil at pampulitika gayundin ang mga karapatang pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura.
Ang mga karapatan at kapakanan ng mga BHW ay dapat tugunan sa balangkas ng isang komprehensibo at progresibong public health system na nagpoprotekta kapwa sa populasyon at mga karapatan ng health care workers.