Labingisang buwan bago sumapit ang ika-11th edition ng Century Tuna IRONMAN Philippines at IM 703 Subic na gagawin sa 9 ng Hunyo sa isang taon, hangad ng mga organizers ng naturang paligsahan na mas mailunsad ito ng mas bongga at mas engrande.
Nagsimula na ang pagre-rehistro sa mga sasali nitong Miyerkoles kung saan ang dalawang pangunahing events ay inaasahang makaka-agaw atensyon sa mga kasamang atleta gayundin ang kani-kanilang pamilya.
Para sa mga gustong magpatala, mag-log in sa www.ironman.com/im-philippines-register.
“Century Tuna has been in the forefront of triathlon in the Philippines with small sprint races for more than 10 years to the pinnacle of racing, that is the Century Tuna IRONMAN in the Philippines for four years counting,” ang sabi ni Century Pacific’s executive vice president and COO Greg Banzon.
Para naman kay Carlo Endaya, vice president at general manager ng Domestic Tuna Business of Century Pacific, magsisilbing tungtungan rin ito at plataporma ng mga iba pang atletang naghahanda para sa mas prestihiyong kompetisyon na gagawin sa ibang bansa.
“Supporting these events have enabled us to see the rise in participation and excellence of the Filipinos in the sport, including SEA Games gold medalist Nikko Huelgas, a product of Century Tuna’s youth development program, to giving access for triathlon to be a venue for health and fitness for the wider community,” dagdag pa ni Endaya.
Isang karagdagang event rin ay ang IRONKIDS triathlon.
Para naman sa mga opisyales ng Subic, malaking tulong sa ekonomiya ang pagbabalik ng naturang paligsahan sa kanilang lugar.
Kilala ang Sunic Bay bilang major economic hub na kilala sa kanilang mga resorts, golf courses, water sports at iba pang recreational activities.