Inamin ng aktres na si Bela Padilla ang pakikipaglaban sa selos tuwing nakukuha ng madalas niyang ka-tandem na si JC Santos ang spotlight ng hindi siya ang leading lady.
Ayon sa aktres, selos sa project ang madalas niyang maramdaman.
“Mas nagseselos ako pag may movie s’ya na ang ganda. As in, parang, ‘Shocks. Sana ako ang gumawa nu’n.’ Mas ganu’n,” aniya.
Dagdag ni Padilla, “More Than Blue” ang pelikulang hinangad niya na siya na lang ang nakatambal ng aktor.
“Ako, comfortable akong sabihin, gusto ko sanang ginawa ko ’yong More Than Blue,” pag-amin ng aktres.
Pagbabahagi naman ni Santos, madalas hanapin sa kanya si Padilla dahil iba ang atake nila sa mga binibigay na roles.
“Kami ’yong nag-a-adjust du’n sa character nu’ng script kaya parang laging fresh,” pagbabahagi ng aktor.
Muling magtatambal sina Padilla at Santos sa pelikulang “Wish You Were The One” na ipapalabas sa 23 Agosto.
Kasama sa mga pumatok na pelikula na pinagbidahan ng loveteam ay ang 100 Tula Para Kay Stella (2017), The Day After Valentine’s (2018), On Vodka, Beers, and Regrets (2020) at 366 (2022).