Naglaho ang ‘bad boy’ image ng aktor na si Mark Herras matapos siyang ibuking ng StarStruck batchmate na si Rainier Castillo.
Sa isang panayam ng magkaibigan sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ni Abunda na kilala si Herras bilang isang playboy na pinabulaanan ng kanyang kaibigan.
“Hindi po totoo ‘yan! Wala pong katotohanan ‘yan! Hindi ito marunong manligaw Tito Boy,” giit ni Castillo.
Depensa naman ni Herras, siya daw ay ‘conservative’
“Mahiyain ako Tito Boy eh. Wala lang sa image ko Tito Boy,” paliwanag niya.
Diretsahan naman na inamin ni Herras na pinormahan niya noon ang iba pa niyang StarStruck batchmate na sina Jennylyn Mercado at Cristine Reyes.
Kabilang sina Herras at Castillo sa Season 1 ng StarStruck. Nagtapos ang season na may 71 episode noong Pebrero 2004 at idineklara, si Herras at Mercado na Ultimate Survivors.