Sa kabila ng sexy scenes na itatampok sa four-part anthology ng VivaMax na “Secret Campus” na magsisimula sa 27 Agosto, umaasa ang VivaMax Star na si Ataska Mercado na makita ng mga manonood ng serye ang halaga ng pagiging ‘understanding at compassionate’
Ayon sa VivaMax star, labis ang naging pagmamahal niya sa parating na serye dahil ide-detalye nito lahat ng problema at pinagdaanan ng mga karakter.
“Parang mapapaisip ka talaga na, grabe may mga nangyayari pala talagang ganito in real life,” aniya.
Dagdag niya, makikita din sa serye ang pinagdadaanan ng mga kababaihan.
Gagampanan ni Ataska ang karakter ni Andi, isang malambing at matalinong scholar mula sa Davao na nagkagusto sa kanyang propesor na di nagtagal ay nauwi sa pang-aakit ni Andi sa Episode 2 ng “Secret Campus”
Tampok din ang iba pang VivaMax stars na sina Azi Acosta, Angela Morena, Ataska, Angelica Hart, Arron Villaflor, Clifford Pusing, Aerol Carmelo at Victor Relosa ang serye sa direksyon ni Jose Javier Reyes.