Posible kayang pasukin ni Marco Gumaba ang politika at sumabak sa 2025 midterm elections?
Ito ang tanong ng ilang kibitzers matapos ipagdiwang ng aktor na si Marco Gumabao ang kanyang kaarawan sa Camarines Sur upang muling bisitahin ang kanyang pinanggalingan.
Imbes na magkaroon ng magarbong selebrasyon, nagsagawa ng outreach program si Gumabao.
Anang 29- anyos na aktor, isa itong birthday well-spent dahil sa pagkakataong makasama ang kanyang mga kababayan.
“Nakakataba ng puso makitang masaya kayo lahat, at masaya ako na kayo kasama ko para sa birthday ko.”
Pinasalamatan din ni Gumabao ang gobernador ng lungsod na si Vincenzo Villafuerte na siyang tumulong sa pagpapatupad ng outreach program.
“So last May during Kaogma, I asked my good friend Gov @vincenzo.luigi if I could spend my birthday here kasama mga kababayan ko,” Aniya ng aktor sa kanyang Instagram post.
“Dios mabalos, padangat ko kamo! see you soon!” dagdag pa ng aktor.
Kasalukuyang pinagkakaabalahan ni Gumabao ang teleserye na Deadly Love kasama sina Jaclyn Jose, Louise Delos Reyes at Raffy Tejada.