Simula na ang shooting ng pelikulang sisira o muling bubuo sa career ng aktor na si Enrique Gil na pinamagatang “I Am Not Big Bird” matapos ang apat na taong hiatus sa entertainment industry.
Kasama ng aktor ang kanyang manager na si Ranvel Rufiño noong 13 Agosto sa Thailand upang kunan ang mga eksena ng pelikula.
Iikot ang kuwento ng pelikula sa karakter ni Luis (ginampanan ni Enrique) na nagpunta sa Thailand upang magbakasyon ngunit napagkamalang isang sikat na porn star na si Big Bird.
Ang “I Am Not Big Bird” ay isinulat nina Lilit Reyes at Joma Laboyen at sa direksyon ni Victor Villanueva.
Ayon kay Santos, hango sa totoong buhay ang istorya ng obra na nangyari sa kanilang foreign trip noong taong 2000.
“Dinudumog kami, ‘di dahil sa amin, sa kasama ko. We found out that my friend looks exactly like a Japanese porn actor,” aniya.
Huling napanood ang aktor sa pelikulang “Alone/Together” noong 2019 Pebrero kasama ang ka-love team na si Liza Soberano.