Sa korte na lang tayo magharap.
Sasampahan ng kaso ni Makati City Mayor Abby Binay si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa illegal na pananakop sa 10 public schools na pagmamay-ari ng Makati ng walang hawak na writ of execution mula sa korte.
Inilunsad kasi ni Cayetano ang taunang Brigada Eskwela sa Makati Science High School at binisita ang Fort Bonifacio Elementary School at Fort Bonifacio High School.
Ang tatlong paraalan ay nakatayo sa mga pinag-agawang teritoryo ng Makati at Taguig.
Ayon kay Makati City Administrator Claro F. Certeza, malinaw na hindi tumalima at binalewala ng Taguig ang rule of law nang hindi hintayin ang writ of execution mula sa korte at ang kanilang pagpasok sa 10 public schools sa 10 enlisted mens barrio (EMBO).
Kailangan magkaroon muna ng writ of execution ang Taguig City bago sakupin ang 10 barangay sa Makati City, ayon sa Supreme Court.
Ito ang esensya ng tugon ng SC sa katanungan ni Makati Regional Trial Court Branch 64 Executive Judge Gina M. Bibat-Palamos sa Office of the Court Administrator.
“Meanwhile, as an initial assessment, the decision of the Supreme Court’s Third Division should be the subject of a writ of execution before the trial court of origin. When the said writ has been implemented by the Department of Interior and Local Government, then that is the reckoning period for the transfer of jurisdiction of cases emanating from the Fort Bonifacio Military Reservation, consisting of Parcels 3 and 4, Psu-2031, from Makati City to the City of Taguig,”sabi ni Court Administrator Raul B. Villanueva sa kanyang sagot kay Executive Judge Bibat-Palamos na may petsang 25 Hulyo 2023.
Ayon kay Certeza, ang tugon ni Villanueva ay nagtakda ng malinaw na landas tungo sa mga hakbang na dapat gawin bago magpatuloy ang anumang jurisdictional transfers.
Ipinaliwanag ni Certeza na lumiham siya kay Palamos noong 11 Agosto upang humingi ng klaripikasyon sa paglipat sa mga nakabinbing kaso sa hukuman sa 10 apektadong barangay.
Giit ni Villanueva,”all cases currently filed and pending before the first and second level courts in Makati City should continue to be tried, heard, and decided by the said courts.”
Sinabi ni Binay na ang Department of Education Memorandum Order 2023-735 ay para lamang sa “transfer of management and supervision of the 14 affected public schools, not the transfer of ownership.”
Ang titulo aniya ng mga naturang paaralan ay sa Makati at itinayo gamit ang pondo ng siyudad.
Ang SC decision na tumutukoy sa Parcel 3 at 4 na binubuo ng 10 enlisted mens barrio (EMBO) ay hindi tumutukoy sa mga ari-arian sa loob ng naturang lupain at ang pasya ay para lamang sa iringan sa boundary o hangganan.
Inihalimbawa niya ang South Cemetery na ang titulo ay sa Manila City government kaya’t walang hurisdiksyon ang Makati sa nasabing ari-arian.
Gayundin sa Pasig City na ang dating Provincial Capitol ng Rizal ay nasa teritoryo nito ngunit nananatili ang property sa Rizal, pareho rin ng sitwasyon ng 14 public schools sa mga erya ng EMBO.
Ang sampung school buildings ay siyento porsiyentong pinondohan ng taxpayers money ng Makati City at hindi ng Taguig City at ang mga ipinantutustos para sa maintenance nito’y mula sa mayayamang barangayu at hind ng EMBOs, gaya ng sinasabi ni Cayetano.
“They should know their numbers because we have the numbers to show that the money spent for the school building does not come from the special education fund thus DepEd also does not own the school buildings,” said Binay.
Ang 14 public schools na nasa apektadong barangay sa District 2 ay sina Fort Bonifacio Elementary School, Cembo Elementary School, South Cembo Elementary School, Pitogo Elementary School, East Rembo Elementary School, Rizal Elementary School, Comembo Elementary School, West Rembo Elementary School, Pembo Elementary School, Makati Science High School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Tibagan High School, Fort Bonifacio High School, at Pitogo High School.