Sa wakas, makakabalik na si Iskati sa Gilas Pilipinas bago mag-umpisa ang FIBA Basketball World Cup.
Inaasahan na ang pagbalik ni 2x PBA Finals MVP at Ginebra guard Scottie Thompson sa line-up ng Gilas Pilipinas matapos makitaan ng mabilis na paggaling mula sa tinamong hand injury noong nakalipas na buwan sa Lithuania.
Nag-uumpisa na ulit mag-training si Thompson sa Gilas Pilipinas, ayon sa Gilas team manager na si Butch Antonio.
“Scottie was at practice last night,” aniya.
Si Thompson ay nagkaroon ng metacarpal fracture sa kanyang kanang kamay, na nagdulot upang hindi siya makalaro sa tune-ups ng national team sa China.
Madalas inaabot ng apat hanggang anim na linggo bago gumaling ang metacarpal injury pero ikinagulat ang mabilis na paghilom ng injury ng manlalaro.
Ang star point guard ng Ginebra ay inaasahan na magdadala ng ‘all-around performance’ si Scottie sa national team.
Kilala si Thompson sa pagiging halimaw sa rebounding at sa mga nakalipas na laro ay naidagdag ni Scottie ang kanyang outside shooting.
Sa pagbalik ni Scottie sa line-up ay inaantay na lamang ang pagsama ni Kai Sotto sa ensayo ng national team. Idinagdag ni Antonio na umuusad na ang usapan sa pagitan ng kampo ng Gilas at ni Kai Sotto.
Matatandaang dumating na sa bansa si Utah Jazz guard Jordan Clarkson noong nakaraang linggo. Maglalaro si Clarkson bilang naturalized player ng bansa.