INILABAS na ng two-time Olympic silver medalists na Italy ang kanilang final line-up na ipadadala sa Manila para sa FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa katapusan ng buwan.
Pangungunahan ni Simon Fontecchio (ng Utah Jazz) ang line-up ng bansa. Kasama ni Fontecchio sina Marco Spissu, Stefano Tonut, Nicollo Melli (dating manlalaro ng New Orleans Pelicans at Dallas Mavericks), Giampaolo Ricci, Matteo Spagnolo, Achille Polonara, Mouhamet Diouf, Luca Severini, Gabriele Procida, Alessandro Pajola.
Magsisilbing team captain ng Italy si Luigi Datome. Ito na ang huling laro ni Datome sa Italy, at inaasahan ang kanyang pagreretiro sa national team matapos ang World Cup.
“Great emotions, tonight, and an unforgettable party. My career journey has been crazy, I’ve had a blast.”
Kapansin-pansin din ang pagkawala ng ilang kilalang manlalaro ng Italy na sina Marco Belinelli (dating manlalaro ng San Antonio Spurs), Danilo Gallinari (manlalaro ng Washington Wizards) at Nico Mannion (dating manlalaro ng Golden State Warriors).
Matagumpay ang nakalipas na training camp ng Italyano na ginanap sa Folgara, Italy nang talunin nila ang Turkey, 90-89 at ang China, 79-61.
Lilipad ang national team ng Italy papuntang China para sa Shenzhen Cup kung saan kakaharapin nila ang mga bansang Brazil at New Zealand bago tumungo ng Pilipinas.
Makakasama ng Pilipinas ang bansang Italy, kasama ang Dominican Republic at Angola sa Group A.