Walang ngipin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspendihin ang lahat ng Manila Bay reclamation projects.
Namataan ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang pagpatuloy ng reclamation projects sa Manila Bay.
Sa pahayag ng Pamalakaya, nakita nila ang mga sasakyang pandagat na nagsasagawa ng dredging operations sa mga munisipalidad ng Cavite sa Rosario, Noveleta, Tanza, at Naic.
Dagdag pa ng grupo, nawawalan ng humigit-kumulang 80 hanggang 90 porsiyento ng pang-araw-araw na kita ang mga mangingisda sa Cavite mula nang magsimula ang mga dredging activies noong 2020.
Giit ni Pamalakaya Chairperson Fernando Hicap, nagpapatunay lamang ito na walang ngipin o hindi gaano kahigpit ang deklarasyon ni Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa pagtigil ng mga proyekto.