Ilang taon na rin nang ako ay huling tumapak sa Bohol, ang pinagmulan ng aking lahi.
Noong 2017 ay nagkaroon ako ng pagkakataon na masilayan ang ganda ng Bohol dahil sa travel show ko noon.
Isa lang ang masasabi ko, napakaganda nya dahil sa ganda ng beaches ng Panglao. Ngunit may igaganda pa pala ito sa aking pagbabalik ngayon.
Masasabing world-class ang ganda ng Panglao-Bohol International Airport, pinaganda at ginawang kaaya-aya para sa mga turista.
Sa pangunguna ng Department of Tourism, ginawa nilang homie ang airport dahil sa mga programa nitong ilagay ang Tatak Pilipinong pang-welcome sa international at domestic tourists.
Isa pang napansin ko ay ang maayos na nitong mga kalsada na talagang binigyang pondo para sa mas maayos na tourism experience.
Isa pa ay unti-unti na ring nagiging electric ang means ang transportation sa Bohol, patikular sa Panglao sa pagdami ng mga electric vehicle para maging environment friendly. Good job kayo dyan para na rin may abutin pang maayos na environment ang susunod na henerasyon.
Para sa lokal na pamahalaan ng Bohol, isang malakas na palakpak sa inyo.
At sa mga Boholano, hindi pa rin nawawala ang inyong superb hospitality. Nariyan pa rin ang kanila matatamis na ngiti to welcome tourists.
At syempre, ang masasarap na Boholano dish. Mura at masarap di gaya ng sa ibang tourist destinations na mamumulubi ka sa mahal ng mga pagkain.
Indeed there are many reasons why tourists keep on coming back to Bohol.
“Behold Bohol, Balik sa Bohol.