Patuloy na tinatatakan ng aktres na si Nadine Lustre ang kanyang legacy sa muling pagkapanalo niya ng Best Actress award sa ginampanang papel sa pelikulang “Greed” sa 2023 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ginanap noong 13 Agosto.
Ginampanan ni Lustre ang papel ni Kichi, ang asawa ni Tomi na ginampanan ng aktor na si Diego Loyzaga.
Umikot ang kuwento ng pelikula nang himukin ng kaibigan ang mag-asawa na subukan ang kanilang kapalaran sa lotto dahil sa kagustuhan nilang makalayo sa kanilang mahirap na buhay probinsya.
Kasama din sa napalunan ng aktres ang “Face of the Night” award.
Ang pelikulang ‘Family Matters’ ay isa sa mga big winner ng FAMAS 2023 na nakakuha ng apat na parangal: Best Picture, Best Editing, Best Actor (Noel Trinidad), at Best Supporting Actress (Nikki Valdez).