Talagang all-out ang performance ng sexy actress na si Tiffany Grey sa pinakabagong offering ng Vivamax na “Kamadora.”
Sa kuwento kasi, challenging talaga ang role ni Tiffany bilang si Ica dahil sapilitang pinagagawa ng mga ilegal na bagay, nagliligpit ng kalat ng iba, inaabuso ng mga lalaki, lahat ng yan ay napagdaanan na niya.
Naging palipat-lipat na rin ang tirahan ni Ica at ang pulis niyang boyfriend na si Roger (Junjun Quintana) ay nandyan para alalayan at bantayan siya. Kahit na mukhang maayos ang relasyon nila, may sikreto silang tinatago at gusto nang makawala ni Ica mula rito pero hindi pa niya magawa.
Iyan ang patikim ng kuwento ng karakter ni Tiffany na talaga naming ginampanan niya ng maayos.
Samantala, nilinaw ng tinaguriang cult director na si Roman Perez, Jr., ang chikang mas pinapaboran daw siya ng Viva Entertainment kumpara sa iba pang direktor na kinukuha ng movie company.
Sa naganap na private screening at mediacon ng latest movie niyang “Kamadora” ay natanong si Direk Roman tungkol sa isyu ng “favoritism.”
Marami kasing nakapansin na halos lahat ng ginawang pelikula ng direktor sa Vivamax ay nagkakaroon ng face-to-face presscon at special screening habang ang iba ay puro zoomcon lamang.
Bukod dito, di hamak din daw na mas malaki ang ibinibigay na budget ng Viva sa lahat ng kanyang projects. Kaya naman may lumabas na chika na “very malakas” daw siya sa mga bossing ng Viva.
Ngunit mariin itong pinabulaanan ng direktor, “Hindi po totoo yan. Pareho lang po ako ng ibang mga nagdidirek sa Viva. Hindi po nila ako basta pinapaboran.”
Sa nasabi ring “Kamadora” mediacon at private screening ay natanong si Direk Roman kung ano’ng feeling na ang idinidirek niya noon ay mga children’s show at ngayon naman ay puro sexy at action movies.
Si Direk Roman ang direktor noon ng pambatang programang “Team Yey”, “Mas enjoy po talaga ako gumawa ng full length films. Sa TV, may showrunners at sila ang nasusunod. As a film director, I call the shots and I get to do the materials that I want to do.”