Hindi akalain ng magkapatid na opisyal ng isang matagumpay na canning company sa bansa na mabibisto ang kanilang modus operandi dahil nagawa nilang makapag-withdraw ng daang-milyong salapi sa dalawang bangko.
Ang nagdemanda ay hindi naman kalayuan ng relasyon sa inireklamo dahil sila ay magkakamag-anak at sila ang nagpapatakbo ng negosyo.
Minaniobra kasi ang signatory ng dalawang mataas na opisyal ng kompanya kaya nagawang makapag-encash ng salapi mula sa pondo ng kanilangkompanya.
Nadiskubre ang apat na beses na encashment mula sa pondo ng kompanya kaya sinampahan ng kasong qualified theft sa Caloocan City Prosecutors Office at nai-file naman sa Caloocan Regional trial Court ang kaso laban kina Ramon L. Chua, chief executive officer/president at Felimon Dexter Chua, COO/General Manager ng Chua Tee and Company kung saan no bail ang rekomendasyon.
Ang nagkaso naman sa dalawa ay si Betty N. Ong na representante naman ng Chua Tee and Company Inc. dahil nga sa apat na beses umanong nakapag-widraw ng pondo ng kompanya mula sa dalawang bangko noong 2020 at 2021.
Kabilang sa mga kinasuhan ay ang mg director na sina Ivee Lyn /chua, Aileen Chua, Marian Go at dalawa pang hindi pinangalanan.
Batay naman sa reklamo noong 23 Disyembre 2020 ay nag-encash ng tseke si Ramon Chua sa BDO General Luis Branch ng halagang P75 milyon at si Felimon Dexter Chua naman ay nag-encash sa Metrobank Grace Park Branch ng P30 milyon.
Noong 29 December 2020 ay nag-encash muli si Ramon ng P30 milyon sa BDO General Luis at noong 4 January 2021 ay nag-encash ulit sa Metrobank Grace Park ng halagang P30 milyon na may kabuuang P159 milyon na corporate funds ang natangay mula sa pondo ng kompanya.
Sa paratang ni Ong ang bank signatories ng kompanya sa dalawang bangkong nabanggit ay pinalitan kaya nagawang makakuha o mag-widraw ng pondo ng hindi nila nalalaman.
Wala man lamang umanong board resolution o stockholders resolution sa ginawang business transaction ang dalawa nang kumuha sa bangko ng pondo ng kompanya.
Iligal umano ang ginawang ito at ang nakuhang pondo ay ang kabuuan ng cash on hand ng kompanya mula 2020 at entire cash on hand ng kompanya sa taong 2021 o aabot sa 70 porsiyento ng annual total operating expenses ng kompanya.
Napawalang sala naman sina Ivvee Lyn chua, Aileen Chua at Marian Go dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.
Kalimitan naman sa ganitong kasuhan ay nagkakaayos din dail sa magkakapamilya kung sila ay maghaharap ng maayos at may pumagitna sa pamagitan ng mediation ngunit hindi na maibabalik pa ang magandang relasyon dahil sa nagkaroon na ito ng lamat.