Pumalo na sa 80 indibidwal ang nasawi bunsod ng kakila-kilabot na wildfire na tumama sa Lahaina, Hawaii.
Base sa mga ulat na nakalap ng Federal Emergency Management Agency (FEMA), nasa mahigit 2,200 structures ang nasira bunsod ng apoy.
Sa inisyal na pagtaya umabot na rin sa $5.5 billion ang damage kung saan libo-libong mga residente ang nawalan ng tahanan.
Samantala, inihayag ng mga awtoridad sa Hawaii na nakatakda nilang imbestigahan ang insidente partikular ang pag-handle sa apoy.
Ayon sa ilang mambabatas mula sa estado na minamaliit ng mga opisyal ang panganib, at sinabi rin ng mga residente na walang mga babala ang ibinigay sa kanila.
Nagbabala naman si Governor Josh Green na posibleng tumaas pa ang bilang mga fatalities.
Nasa 1,400 katao ang kasalukuyang nasa emergency evacuation shelters.