Hindi na kinaawan ng isang magnanakaw ang mag-amang kanyang nilooban sa isang isang construction site sa Sual, Pangasinan dahil bukod sa pinagnakawan na ay pinatay pa ang mga ito.
Iniimbestigahan din ng pulisya kung pinagsamantalahan din ng salarin ang bata.
Base sa paunang ulat, sinabing magkatabing pinaglalamayan sa kanilang bahay sa Barangay Caoayan ang 26-anyos na ama na si Ronnie Costales, at ang kaniyang anak at ayon sa pulisya, nakita ang bangkay ng mag-ama sa barracks ng construction site sa Barangay Capantolan, kung saan nagtatrabahong stockman si Ronnie.
Nagtamo ng palo sa ulo si Ronnie habang sinakal naman ang kaniyang anak. Hinala ng pamilya, pinagsamantalahan din ang bata, na aalamin din ng mga awtoridad.
Batay sa imbestigasyon, bandang 2 a.m. nang pagsalangin ang mag-ama.
Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa krimen dahil nawawala ang P10,000 na koleksiyon ni Ronnie, pati na ang motorsiklo nito na ginamit ng salarin sa pagtakas.
Nanawagan ng hustisya ang pamilya ng biktima, at umaasa silang mahuhuli ang salarin bago mailibing ang mag-ama.
Tukoy na umano ng mga pulis kung sino ang suspek at tinutugis na nila ito.