Hindi inalintana ng mga football players ng La Salle ang presensiya nina Filipinas goalkeeper Olivia McDaniel at forward Chandler McDaniel matapos madomina ng Lady Archers ang Stallion Laguna FC, 4-0, sa PFF Women’s League sa PFF National Training Center sa Laguna kamakailan.
Maging ang homecourt advantage ng kalaban ay hindi naging hadlang para sa La Salle sa pangunguna ni Shai Del Campo na nakagawa ng brace sa 25th at 89th minute ng laro tungo sa ikalawang panalo nila ngayong season.
Si Maria Lourdes Layacan ang nagsimula ng mainit na laro ng La Salle kung saan naka-goal siya sa 18th minute habang isang screamer naman ang pinawalaan ni Angelica Teves sa 33rd minute.
Naging madali rin para sa UAAP Season 85 champion Far Eastern University na buwagin ang depensa ng Azzuri SC, 5-0.
Sina Dionesa Tolentin (22nd minute) at Katrina Magbitang (36th minute) ang siyang namuno sa Lady Tamaraws sa first half bago naituloy nina Rose Arevalo (67th minute), Jonela Albino (82nd minute), at Sarahgen Tulabing (83rd minute) ang kontroladong laro ng FEU.