Isang Indian National ang iniulat na binaril at napatay ng isang lalaking nakikipag-inuman sa Angeles City, Pampanga ng mga salarin na nakasakay umano sa motorsiklo.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nakuhanan umano ng isang CCTV sa lugar ang pangyayari kung saan makikitang nakikipag-inuman ang biktima sa dalawa niyang kaibigan sa Barangay Tabun.
Ilang saglit lang, dumating ang salarin na sakay ng motorsiklo at mula sa likuran ay binaril nito sa ulo ang nakaupong biktima.
Tumakas ang nag-iisang salarin at ligtas naman ang dalawang kainuman ng biktima.
“Ang sabi ng kaniyang live-in partner, wala naman siyang nakukuhang threat and mostly ng mga kausap ng victim is yung salita nila is yung language ng India kaya hindi din niya masyadong maintindihan,” ayon kay Police Major Mark Niel Mautin, Station Commander, Angeles City Police Station 3.
Dagdag pa ng mg otoridad, kilala na nagpapautang sa lugar ang biktima. Posible umanong pinagplanuhan ang pagpatay sa Indiano.
“Yung lumapit na personality (gunman) ay mag-isa lang talaga siya. Pero hindi natin kino-close na baka mayroong pointman doon sa area, kung bakit alam niya na nandoon yung Indian national.
Kung makikita natin doon sa CCTV footage, alam na niya agad kung sino yung target niya,” sabi pa ni Mautin.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para madakip ang salarin.