Pinagbabayad ang British indie-rock band na The 1975 ng $2.7M na danyos ng isang kumpanya sa Malaysia na nag-organisa ng nakalipas na music festival.
Nakansela ang Good Vibes Music Festival matapos halikan ni Matt Healy ang bassist ng banda na si Ross MacDonald noong Hulyo 21.
“I can confirm that my firm issued a seven-day letter of claim to the UK band 1975 demanding for RM12.3 million [$2.68m] in damages on behalf of Future Sound Asia (FSA)” wika ni David Dinesh Matthew, abogado ng music concert organizer sa Malaysia.
Dagdag ni David, ang kaso ay konektado sa “breach of contract”.
Kinondena ng Malaysian government ang banda at sinabi na ito ay dahil sa hindi pagrespeto sa lokal na batas ng bansa.
Binigyan hanggang Lunes ang banda para sumagot sa isinampang reklamo.
Ipinagbabawal sa Malaysia ang homosexual na pakikipagrelasyon at mataas din ang kaso ng diskriminasyon na natatanggap ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.