Sikat sa Filipino Swifties ang drag queen at Taylor Swift impersonator na si Taylor Sheesh, mas kilala bilang si Mac Coronel sa totoong buhay.
Si Taylor Sheesh ay sumikat sa bansa matapos lumabas ang listahan ni Taylor Swift sa kanyang “The Eras Tour” pero hindi kasama ang Pilipinas sa mga bansa na kanyang pupuntahan.
Sa Japan at Singapore lamang ang mga bansa sa Asya ang napabilang sa mga pagdadausan ni Taylor Swift ng kanyang concert sa susunod na taon.
Isa sa mga dinumog na event ni Sheesh ang nakaraang “When August Falls In Love” noong Agosto 5 sa Quezon City. Isinabay rin dito ang selebrasyon ng “Speak Now” na isa sa mga bagong album ni Swift.
Si Coronel, 28, ay isang call center sa umaga at nag pe-perform bilang drag queen sa iba’t-ibang lugar tuwing gabi.
Kilala na rin ang persona ni Taylor Sheesh sa international media tulad ng The Washington Post, The Guadian at marami pang iba.
Asahan ang mas marami pang pagtatanghal ni Taylor Sheesh sa iba’t ibang lugar ng bansa habang nagpapatuloy ang world tour ni Swift.