Hindi pa huli ang lahat para magkaroon ng mas komprehensibong programa at sariling liga para sa mga kababaihan ang Philippine basketball.
Medyo napag-iiwanan na ang Pilipinas kumpara sa mga iba pang kalabang bansa gaya ng Malaysia, Indonesia at Thailand, pero plano ng Philippine Basketball Association (PBA) na maglunsad ng liga para sa mga kababaihang players kung saan magsisimula ito sa 3×3 tournament.
Ang 3×3 ay isang hiwalay na liga na ginawa ng PBA sa pakikipagtulungan sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Itinatag ang liga dalawang taon na ang nakakaraan kung saan simula ito para makalikom ang mga players ng ranking points para mag-qualify para sa Olympics.
Naging matagumpay ang paglulunsad ng 3×3 kug kaya naman, inaasahan ni PBA commissioner Willie Marcial na magkakaroon din ng mas matinding interes ang mga kababaihan na sumali kung sakali mang ilulunsad nila ang programa.
Hindi na bago sa ating mga cagebelles ang sumali sa 3×3 competitions.,
Ang Pilipinas ang kaunaunahang champion sa women’s 3×3 competition sa Southeast Asia noong 2019 kasabay rin ng pagdomina sa women’s basketball ng 5-on-5 competitions.
Ayon kay Marcial, pumasok na sa isip niya na ilunsad ang 3×3 event para sa mga babaeng players noong kauuupo pa lamang niya bilang commissioner ng liga.
“May kausap ako noon, mga three months ago, about sa 3×3 tournament nga para sa mga babaeng players natin,” ang sabi ni Marcial. “Nasa table pa yung proposal, pero dati pa naman gusto ko na talagang magkaroon ng 3×3 para sa mga babaeng players nung kakaupo ko lang as commissioner.”
“Ongoing pa rin naman yung pag-uusap namin. Hopefully, mag-push through at nasabi ko na rin ito sa board.”
Para naman kay Gilas Pilipinas project director for women’s basketball Patrick Aquino, malaking tulong ito para sa development ng women’s basketball sa bansa.
“The PBA is a sustainable league,” said Aquino in a telephone interview with Daily Tribune. “I think it would help immensely in the development of women’s basketball in the country as it would widen the pool of players that will be available to represent the Philippine team in the future.”
“We’re already behind from our rival nations in the region, but with the PBA, I think we can establish something that would keep us at par with the other countries like Malaysia, Indonesia and Thailand.”