Mistulang aso o pusang inabandona ng mga pulis-Navotas ang bangkay ni Jemboy Baltazar na lumulutang sa ilog matapos siyang pagbabarilin.
Isinalaysay ito ng nanay ni Jemboy na si Rodaliza, isang overseas Filipino worker, na dumating sa bansa kamakalawa mula sa Qatar.
Hindi man lang tinanong ang pangalan ng kanyang anak matapos mapaslang ng mga pulis dahil umano sa mistaken identity.
Tanghaling tapat umano noong nangyari ang insidente kaya dapat nakita man lang nila ang mukha kung sino ang binaril ng mga pulis.
Nakakulong at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang anim na pulis-Navotas at may kinakaharap ding kasong administratibo laban sa kanila.