Inihayag ng Bureau of Corrections na nakapaglipat sila ng halos limang daang high profile inmates sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Mindoro noong Huwebes.
Sila’y binubuo ng mga kalalakihan at mga kababaihang bilanggo mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., mahirap ang magiging buhay nila sa naturang kulungan dahil kabundukan ito at mahina ang signal ng telecommunications sa lugar.
May magkakahiwalay na selda ang mga bilanggo.
Tiniyak ni Catapang na walang makakatakas na high profile inmate sa Sablayan dahil ito ay isang super maximum na kulungan.
Tinapyasan na ng BuCor ang allowable na pera ng mga bilanggo sa kanilang mga virtual wallet mula sa P 2,000 hanggang sa P 1,000 na lamang.